Linggo, Setyembre 22, 2013

Modyul sa Filipino to Be downloaded!

Sinisimulan na ang paggawa ng Bagong Modyul sa Filipino! Natapos na nang team ang unang modyul at kagya't ding matatapos ang ikalawang Modyul. Inaasahan na mapa-publish ito sa kalahatian ng Nobyembre. Ito ay ang Modyul na binubuo ng halos lahat ng mga akdang ginawa ng mga pilipinong manunulat. May iba't-ibang mga gawain na tatagal ng isang linggo kada modyul. Kabilang ito sa MODYUL SA PAGKATUTO SERIES ng Fun Learning Council na inaasahan namang tatagal hanggang 2015 at ang maglilimbag ay ang Marcus Antonius Publishing Company.
PATULOY SA PAGTRANSLATE NG THE ROMAN MISSAL

Ngayon na ngang naipalabas na ang bagong Version ng The Roman Missal, kaagad na bumili ako ng kopya at binasa ko ito hanggang sa naisipan kong ito ay isatagalog. Bagama't hindi pa aprubado nang kahit sinong lingkod ng kaparian, itunutuloy ko pa rin. Pasasaan ba't darating ang araw kung sakali ay matapos ko ito at ipakita ko sa kanila. Hanggang sa mga sandaling ito ay tinatapos ko pa ito at baka isang taon pa ang itatagal ng pagsasatagalog ko nito. Abangan niyo na lang